Sa pamamagitan ng pagsusuri ng ating mayaman na sining, maging sa anumang larangan, matutuklasan natin na sadyang malikhain ang Pilipino. Ang pagiging malikhain ng Pinoy ay napapantay lamang sa ating di natitinag na animo sa mukha ng adversidad. Maging ang mga likha ng mga Pilipino ay karaniwang positibo sa kabila ng paglaganap ng realismo. Ito ay isang laganap na kaalaman maging sa buong mundo.
Ngunit habang ito ay maituturing "competitive advantage", sa kabila nito ay kahinaang lubos din na kilala. Dahil sa ating lubos na pananalig sa ating sariling kakayahan, madalas na napapalabis natin ang ating pagtantaya sa ating sarili. Sa halip na maging rason ito upang higit na paghusayan ang ating mga talento, malimit ito pa ang ginagamit na katwiran para sa pangkaraniwang gawain, o kung aking tatawagin ay "kulturang pangka". Masakit mang sabihin, madalas ang tinatawag nating "pagiging malikhain", "pagiging positibo", at "pagkakaroon ng hindi natitinag na animo" sa katunayan ay pagiging masyadong kampante at bunga lamang ng adversidad na siyang naging sanhi rin nito. Ang pagiging malikhain, positibo, at matiisin ay iba sa pagkakaroon ng walang ibang magawa sa sitwasyon.
Gayunpaman, hindi sa walang katarungang masasabing malikhain, talentado positibo ang mga Pinoy. Hindi magiging makatunay kung titingnan lamang ang isang panig nitong katangian. Kung tayo lamang ay tumalikod sa ating kolonyal na mentalidad na nanggaling sa at nagbubunga lamang ng "scarcity mentality", higit pang uunlad ang ating mga kakayahan. Ngunit ating alalahanin na ang pag-unlad ay hindi layunin.
Mayroong laganap na paniniwala na "Movement - any kind of movement is power"--maliban ang pag-urong. Sa panahong ito, kaugaliang i-romanticize ang pag-unlad, ang mga bagay at idea na makabago. Sa halip, ang ating kaugaliang maging malikhain at positibo ay nararapat mapaunlad para sa Diyos at bayan, hindi lamang upang magpakitang-gilas.
Kommentare